Nang magtagumpay si Aladin sa pagpatay sa dalawang leon, kinalagan niya kaagad si Florante at siya’y umiiyak habang kinakalagan niya ito. Nakita ni Aladin ang dugo na nunukal sa gitgit dahil sa pagkakatali nito sa puno. Ang ginawa ni Aladin ay inalalyan niya si Florante upang maiupo at kinalong niya ito. Sa pagtitig ni Aladin kay Florante habang ito’y natutulog, si Florante ay biglang gumising at hinahanap si Laura at bumalik ito sa pagkakatulog. Natakot si Aladin na sagutin si Florante kaya pinabayaan niya na lamang ito. Nang muling gumising si Florante nakita niya ang isang lalaki na nakadamit pang Moro at siya’y nabigla, nais sana niyang ilayo ang kanyang katawan kay Aladin ngunit hindi niya ito nagawa dahil mahina pa siya. Sinabi niya kay Florante na ang baya’t sekta nila ay magkaaway ngunit sa pangyayaring ito ay dapat silang maging magkaibigan at sinabi rin niya na siya ay tao lamang na sumusunod rin sa utos o batas ng langit kaya naman tinulungan niya si Florante. Nagbuntung-hininga si Florante at sinisi niya si Aladin kung bakit siya nito kinalag sa puno hindi sana ngayon ay payapa na ang kanyang buhay sa loob ng tiyan ng leon dahil mas hinahangad pa ni Florante na mamatay na lamang siya kaya. Hindi napigilan ni Aladin ang umiyak sa mga pinagsasabi ni Florante.
Aralin 14&15: Ang Bukas-palad na Pagtulong,Florante-- Bulaklak Kong Bugtong
Ang mga araling ito ay nagsasalaysay kung paano inalagaan ni Aladin si Florante hanggang sa ito’y gumaling at ikinuwento ni Florante ang kanyang pagkabata.
Nang mapansin ni Aladin na gumagabi na sa gubat humanap siya ng lugar upang doon alagaan si Florante at sa unang hinintuan niyang dako ay may nakita siyang isang malapad at makinis na bato at doon niya hiniga si Florante. Kumuha siya ng kanyang kunting baon upang kumain at inalok niya si Florante nito, sa una ito’y umayaw ngunit hindi naglaon ito’y tinanggap rin. Naluwag-luwagan ang kanilang paghihinagpis at nabawasan ang pagkagutom. Nakatulog si Florante sa sinapupunan ni Aladin at hindi natulog si Aladin dahil siya’y natatakot na baka makagat si Florante ng mga masasamang hayop na gumagala sa gubat at kapag nagigising si Florante parang natatakot si Aladin baka may masama ng nangyari rito. Nang magmamadaling-araw ay nahimbing at munting napayapa sa dalang mga problema hanggang nagumaga ay walang binitawang hinagpis at daing si Florante. Lumakas na muli ang katawan ni Florante at dahil sa tuwa ni Aladin ay napayakap siya kay Florante. Tinanong ni Aladin si Florante tungkol sa buhay niya at sinabi ni Florante na ang buhay niya ay puno ng dusa at sakit! Sinabi niya kay Aladin na sana sa Krotona na lamang siya lumaki at hindi nalang sa Albanya, ang ama raw niyang si Duke Briseo ay ang tanungan ni Haring Linseo sa anumang bagay at ito ang pangalawang puno sa sangkaharian, mabait ang kanyang ama at sa katapangan ay siya ang pang-ulo sa siyudad ng Albanya. Ang sabi ni Florante walang mahahalagang nangyari sa kanyang buhay ng siya’y musmos pa lamang, sabi ng kanyang ina ng siya raw ay natutulog sa bahay nila na malapit sa bundok pumasok ang isang ibong pang-amoy ay abot hanggang tatlong legwas sa patay na hayop, mabuti nalang at dumating ang pinsan ng kanyang ina na si Menalipo at pinana niya ang ibon at ito’y namatay. Nang si Florante ay naglalaro sa salas may isang alko na kinuha ang kupidong diyamante sa dibdib niya at ng tumuntong siya sa siyam na taon, parati siyang naglalaro sa burol dahil parati siyang namamana ng ibon. Sa tuwing umaga bago lumalabas ang masayang sinag ng araw ang kanyang libangan ay sa tabi ng gubat a hanggang sa tingal-in ng ang sinag ng araw na hindi matitigan ay sinasagap niya ang kaligayahang handog ng hindi maramot na parang.
Aralin 16: Ang Pagpapalaki sa Anak
Ang araling ito ay tungkol sa mga bagay na ginagawa ni Florante ng siya’y bata pa lamang.
Nakatira si Florante sa Crotona na isang malayang bata na nagagawa kung ano ang gusto niyang gawin, gaya ng, mamana ng mga ibon o pumatay ng mga hayop. Ang sabi niya kay Aladin kapag may nakita raw siyang hayop na tinitingala niyang malapit sa bundok, bigla raw niyang ibibinit ang pana sa busog sa minsang tudla niya ay pilit na matutuhog at kapag napatay na niya ay mag-uunahang makarampot ang kanyang mga kasama at kapag nakakapatay raw siya ay halos hindi masukat ang kanyang kaligayahan. Natutunan niya sa kanyang ama na hindi nararapat palakihin ang isang bata na laki sa layaw at puro kaligayahan ang natatamasa dahil kapag dumating ang panahon na darating sa kanyang buhay ang kasawian at kalungkutan ay hindi niya ito malulutas dahil siya’y nasanay sa kaligayahan. Sa lagay na ito ipinadala siya ng kanyang ama sa Atenas at ito ang dahilan ng pag-iyak ng kanyang ina. Sa Atenas ang nagging maestro niya ay si Antenor, lahi ng mga Pitako, ito’y mabait at marunong na isang maestro.
Aralin 17: Nahubdan ng Balatkayo
Isang buwan na hindi kumain si Florante at parating umiiyak simula ng siya’y ipinadala ng kanyang ama sa Atenas at hindi nagtagal napayapa siya dahil sa pag-aliw ng kanyang maestrong si Antenor. May nadatnan siyang isang batang madlang nag-aaral at iyon ay si Adolfo ang anak ng isang marangal na si Konde Sileno. Labing dalawang taon na si Adolfo’t si Florante naman ay labing isa pa lamang. Kilala si Adolfo bilang isang mahinhin ang kanyang ugali ay hindi magaslaw, kung lumakad ito’y laging patungo at mabinining mangusap at walang katalo, lapastanganin man siya ay hindi siya nabubuyo. Siya ang huwaran ng kanyang mga kaklase sa kabaitan. Sinabi rin ni Florante na ang katalasan ng kanyang maestrong si Antenor ay hindi mabatid ang lalim na lihim ni Adolfo at sinabi rin ni Florante na ang sabi ng kanyang ama na ang bait na hindi paimbabaw ito’y namumunga ng kaligayahan. Sa madaling salita mabigat ang loob ni Florante kay Adolfo at alam niyang ganoon din ang nararamdaman ni Adolfo sa kanya.
Isang araw natarok ang kaalaman ni Florante ang lalim ng pilosopiya, natutunanrin niya ang astrolohiya at ang matimatika. Ang pagkatuto raw niya ay parang isang himala si Adolfo raw ay naiwan sa gitna at ang maingay na tagapamalita sa buong Atenas ay gumagala-gala. Siya na ang usap-usapan mapabata man o mapatanda ay nakatalastas ng pangalan ni Florante. Nahalata si Adolfo na nagbabalatkayo lamang ng dumating ang araw ng pagkakatuwaan ng mga mag-aaral na nagbibinata, iba’t iang laro ang kanilang nisipan at sinukat nila ang galling sa sayawan na naaayon sa musika’t awit na mapakikinggan. May laro ring buno’t arnis na kinaitaan ito ng kanilang liksi’t karunungan.
_______________________________________________________________________________________
MGA IMPORTANTENG DETALYE:
Pitako- ang lahi kung saan kasali si Antenor.
1 Buwan- ang tagal na panahon na halos di makakain si Florante.
Pilosopiya,Astrolohiya at Matematika- ang mga pinag aralan ni Florante sa loob ng isang taon.
Burol- dito nagjaja nagaaliw si Florante nung bata siya.
Korales- ito ang inihawig ni Florante sa mgs daliri ni Laura.
Rubi- dito inihawig ni Florante ang mga labi ni Laura.
Hardin- dito dinadala ni Laura si Florante tuwing siya ay may problema.
Letrang "L"- ang naka tahi sa turbante ni Florante.
Casinos in the UK - How to find good games - GrizzGo
ReplyDeleteSo, what do we mean by “casinos in the UK”? aprcasino gri-go.com to find a febcasino casino septcasino.com and live casino games on a mobile phone device poormansguidetocasinogambling in 2021.