Mga Tauhan ng Kuwento:
- Florante - tagapagtanggol ng Albanya at isang mabuting anak ni Duke Briseo
- Laura - anak na babae ni Haring Linseo ng Albanya; iniibig ni Florante
- Aladdin / Aladin - anak ni Sultan Ali-Adab ng Persya, isang moro na nagligtas at tumulong kay Florante
- Flerida - kasintahan ni Aladin na inagaw ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab
- Haring Linseo - hari ng Albanya, ama ni Laura
- Sultan Ali-Adab - sultan ng Persya, ama ni Aladin
- Prinsesa Floresca - ina ni Florante, prinsesa ng Krotona
- Duke Briseo - ama ni Florante; Kapatid ni Haring Linceo
- Adolfo - kalaban ni Florante, tinawag na mapagbalat-kayo; malaki ang galit kay Florante
- Konde Sileno - ama ni Adolfo
- Menalipo - pinsan ni Florante na nagligtas sa kanya noong siya ay sanggol pa lamang mula sa isang buwitre
- Menandro - matalik na kaibigan ni Florante, pamangkin ni Antenor; nagligtas kay Florante mula kay Adolfo.
- Antenor - guro ni Florante sa Atenas
________________________________________________________________________
Mga Buod ng Mga Kabanata: (Tandaan ang mga naka BOLD!)
Aralin 5: Punong Salita
Ang araling ito ay naglalarawan ng isang gubat at ng isang binatang lalaki na nakagapos sa isang puno.
Inilarawan ang gubat bilang isang madilim dahil hindi makapasok ang sinag ng araw dahil sa mga malalaking puno gaya ng higera at sipres. Ang mga baging naman na namimilipit sa sanga ng kahoy ay puno ng tinik, may bulo ang mga bunga nito na nagbibigay-sakit kapag itoy kinain. Ang mga bulaklak sa nagtayong kahoy ay nakikiayon sa nakakahilong mabahong amoy ng gubat at karamihan sa mga hayop na gumagala rito ay syerpente at tigre na may masasamang loob. Ang gubat na ito ay malapit sa pinto ng Aberno Reyno na pinamumunuan ni Pluto na inilarawan bilang isang masungit at ang kanyang mga nasasakupang lupain ay dinidiligan niya ng tubig na galing sa ilog Kosito na makamandag ang tubig.
Sa gitna ng malungkot na gubat ay may isang lalaking nakatali sa puno, inilarawan siya bilang isang binatang lalaki na maayos ang tindig kahit nakatali na ang kamay, paa’t liig, makinis ang kanyang balat, at ang kanyang pilik-mata’t kilay ay parang isang arko.
Aralin 6: Bayang Nagdurusa:
Ang araling ito ay naglalarawan ng kaguluhan na nangyari sa Albanya at kung ano ang naramdaman ni Florante sa mga pangyayaring ito.
Sa gubat na kinalalagyan ni Florante ay walang nakatirang nimfas o harpyas na mahihingian niya ng tulong, kaya naman kinausap ni Florante ang Diyos sa pamamagitan ng padadasal. Ang kanyang mga hinaing ay tungkol sa mga taong masasama at mabubuti ang loob na nakatira sa Albanya at tungkol sa ibang bandila na iwinawagayway sa Albanya. Tinanong niya ang Diyos kung bakit ang mga masasamang tao ang nakakaranas ng tagumpay at ang mga mabubuting tao naman ang nakakaranas ng kamalasan. Sa galit ni Florante nasisi niya ang Diyos sa lahat ng mga nangyayari sa Albanya, kung bakit raw ito pinababayaang mangyari. Alam niya na ang nais ni Konde Adlofo ay ang korona ni Haring Linseo at sabugan ng sama ang Albanya. Kaya naman hiniling ni Florante mula sa makapangyarihang kamay ng Diyos na itapon ang kanyang galit sa mga taong may masasamang loob na nakatira sa Albanya at natanong rin niya kung bakit raw bingi ang kalangitan sa anyang mga sinasabi at kung bakit hindi siya makaranas ng tagumpay sa buhay.
Aralin 7: Hinagpis ng Isang Nagmamahal:
Ang araling ito ay tungkol sa pagseselos ni Florante kay Konde Adolfo dahil nasa sinapupunan ni Konde Adolfo si Laura.
Sinabi ni Florante sa Diyos na kung gusto niya talaga na siya’y magdusa may hihilingin lamang siyang isang bagay, at iyon ay ipaalala kay Laura na may Florante pang nagmamahal sa kanya na nasa gitna ng sakit at pagdurusa. Si Laura na lamang ang tanging taong natitira kay Florante ngunit sa kasamaang palad nasa ibang kandungan na ito. Nahimatay si Florante dahil sa sakit na kanyang nararamdaman, halos ang kanyang katawan ay puno ng sakit at pagdurusa at kung may makakita man sa kanyang kalagayan ay tiyak na maaawa ito. Ang gubat na madilim at malungkot ay nasasabugan ng libu-libong mga sakit at pagdurusa, na inuulit pa niyang sabihin at isinisigaw na bakit raw nagtaksil si Laura sa kanya na tapat naman ang kanyang hangarin at sumumpa raw si Laura sa harap ng langit na hindi magtataksil sa kanyang pag-ibig kaya ibinigay rin niya ang kanyang pag-ibig dahil wala sa isip niya na pagtataksilan siya ni Laura.
Aralin 8: Alaala ni Laura
Sinabi ni Florante sa Diyos na kung gusto niya talaga na siya’y magdusa may hihilingin lamang siyang isang bagay, at iyon ay ipaalala kay Laura na may Florante pang nagmamahal sa kanya na nasa gitna ng sakit at pagdurusa. Si Laura na lamang ang tanging taong natitira kay Florante ngunit sa kasamaang palad nasa ibang kandungan na ito. Nahimatay si Florante dahil sa sakit na kanyang nararamdaman, halos ang kanyang katawan ay puno ng sakit at pagdurusa at kung may makakita man sa kanyang kalagayan ay tiyak na maaawa ito. Ang gubat na madilim at malungkot ay nasasabugan ng libu-libong mga sakit at pagdurusa, na inuulit pa niyang sabihin at isinisigaw na bakit raw nagtaksil si Laura sa kanya na tapat naman ang kanyang hangarin at sumumpa raw si Laura sa harap ng langit na hindi magtataksil sa kanyang pag-ibig kaya ibinigay rin niya ang kanyang pag-ibig dahil wala sa isip niya na pagtataksilan siya ni Laura.
Ang araling ito ay tungkol sa pangungulila ni Florante kay Laura! Ang sabi ni Florante ay katiwala at kasintahan siya ni Laura, hindi raw niya akalain na sasayangin lamang ni Laura ang maraming luha na inalay nito para sa kanya at tinagurian pa siya nito ng “giliw” dahil si Florante ang lunas ng mga sakit na nararanasan ni Laura. Kapag umaalis o inuutusan si Florante ni Haring Linseo na pumunta sa ibang siyudad ay umiiyak si Laura, kapag tinatahi ni Laura ang plumahe ni Florante ay parang korales ang kanyang mga daliri, takot si Laura na masugatan si Florante sa pakikipaglaban, ang baluti’t koleto ay hindi pinapayagan ni Laura na madampi’t malapit sa katawan ni Florante hangga’t hindi niya nasisigurong wala na itong kalawang, pinahihiyasan ni Laura ang turbanteng may letrang "L" ni Florante ng perlas, topasyo’t maningning na rubi, kapag hindi pa dumadating si Florante galing sa ibang siyudad o kahit saan ay hindi mapalagay si Laura dahil akala ni Laura na nasugatan siya at kung may galos lang si Florante sa balat ay labis na ang pag-aalala ni Laura rito at hindi naniniwala si Laura sa isang bagay kapag hindi pa niya ito nasusuri.
Ang lahat ng iyan ay hinahanap ngayon ni Florante habang siya’y nakatali sa puno. Si Laura na lamang ang natitirang magpapaligaya kay Florante ngunit nasa ibang kandungan na ito at ang kanyang lungkot ay umalingawngaw sa buong gubat kaya sa kanyang matinding pagseselos at sakit na nararamdaman ay nahimatay siya.
Aralin 9: O Pagsintang Labis
Ang araling ito ay naglalarawan ng isang lalaking gerero na pumunta sa gubat upang makalimutan ang masasakit na nangyari tungkol sa kanyang pag-ibig.
Nang dumating ang isang gererong lalaki sa gubat na nakasuot ng putong na turbante na kahanga-hanga at ito ang pananamit ng mga Moro sa siyudad ng Persya. Huminto siya sa kanyang paglalakad at tumingin siya sa kanyang paligid upang humanap ng mapapahingahan at may nakita siyang isang bubong ng kahoy. Umupo siya sa puno ng isang kahoy at doon siya’y umiyak, ipinatong niya ang kanyang ulo sa kanyang kaliwang kamay at tinutop niya ang kanyang noo sa kanan. Tumagilid siya, nagwalang-bahala, tumigil siya sa kanyang pag-iyak at sinabi niya na ang tuwa na nararamdaman niya tungkol kay Flerida ay wala na dahil inagaw na ito ng kanyang ama. Ang sabi pa niya kung hindi raw ang kanyang ama ang umagaw kay Flerida malamang nakikipaglaban na siya ngayon upang ipaglaban ang kanyang mahal ngunit sa di sinasadyang pagkakataon ang ama niya ang umagaw kaya dapat niya itong igalang at inihambing pa siya kay Marte. Sinabi rin niya na talagang makapangyarihan ang pag-ibig dahil kahit anong panganib ang makakaharap, ito’y hahamakin para lamang sa minamahal.
Aralin 10: Amang Makapagkandili
Ang araling ito ay nagsasalaysay kung paano walang awang pinatay ang ama ni Florante at narinig ito ng gerero habang isinasalaysay niya ito.
Nang makarinig ang gerero ng iyak ni Florante, siya’y namangha kaya naman sinundan niya kung saan nanggagaling ang boses ng nagsasalita at dumating siya sa pinanggagalingan ng boses at narinig niya si Florante na umiiyak dahil sa pagkamatay ng kanyang ama. Pira-pirasong pinatay ang kanyang ama ni Konde Adolfo. Ang sabi pa ni Florante ang mga kaibigan ng kanyang ama ay nahati sa dalawang parte, may kumampi sa masama at may kumampi sa mabuti ngunit walang magawa ang mga kaibigan niyang hindi bumaliktad sa kanya dahil mapaparusahan lamang sila kapag lumapit sa pira-pirasong katawan ng kanyang ama at hindi man lamang siya nabigyan ng maayos na libing at sabi pa ni Florante na ninanais pa ng kanyang ama na matabunan siya ng bangkay sa gitna ng pagpapatayan at ng hindi mahulog sa kamay ni Konde Adolfo na higit pa sa halimaw ang ugali. Para kay Florante, si Duke Briseo ay isang ulirang ama dahil kahit sa huling sandali ng buhay nito ang kapakanan parin ng kanyang anak ang iniisip at sinabi na Florante na nung mamatay ang kanyang ama ang lahat ng tuwa na kanyang nararamdaman ay nawala sa kanya.
Aralin 11: Paalam Laura! Paalam Albania!
Nang matauhan si Aladin sa kanyang pag-iisip sa kanyang ama, narinig niya ang muling pananambitan ni Florante at ito’y tungkol kay Laura. Nagpapaalam siya at sinabi niyang kahit siya’y sumakabilang buhay na mamahalin niya parin si Laura. Hindi pa natapos ni Florante ang pangungusap na ito ay may dalawang leon ng papunta sa kanya at ng nasa harapan na niya ito, ito’y tumigil at mukhang naawa sa kanyang kalagayan. Nagpaalam si Florante sa Albanyang pinaglingkuran niya na ngayon ay pinamamayanan na ng kasamaan, lupit, bangis at kaliluhan. Bata pa lamang si Florante nais na niyang paglingkuran ang bayan ng Albanya. Sa kabila ng lahat ng ito nagpapasalamat parin si Florante dahil sa Albanya niya nakilala ang kanyang magiging kasintahan ngunit sa di inaasahan si Laura ay nagtaksil sa kanya.
Nasa harapan na ni Florante ang papatay sa kanya at mamamatay raw siya na hindi kapiling si Laura at iyon ang pinakamasakit na pangyayari sa kanyang buhay. Umiyak si Florante dahil hindi na niya nakayanan ang sakit na kanyang nararamdaman, narinig ng gerero ang lahat ng pananambitan ni Florante na nakakatakot kaya naman tinunton ni Aladin kung nasaan nanggagaling ang boses na kanyang naririnig. Nang malapit na si Aladin kung saan nandoon si Florante ay nakita niya ang matibay na pagkakatali nito sa puno at bigla siyang umiyak dahil sa awa. Nais ng silain ng mgaleon si Florante ngunit naabutan ito ni Aladin at inusig niya ng taga ang dalawang mababangis na leon at namatay ito.
Aralin 12: Si Aladin, Apolo ang Kawangis Bakla siya
Nang magtagumpay si Aladin sa pagpatay sa dalawang leon, kinalagan niya kaagad si Florante at siya’y umiiyak habang kinakalagan niya ito. Nakita ni Aladin ang dugo na nunukal sa gitgit dahil sa pagkakatali nito sa puno. Ang ginawa ni Aladin ay inalalyan niya si Florante upang maiupo at kinalong niya ito. Sa pagtitig ni Aladin kay Florante habang ito’y natutulog, si Florante ay biglang gumising at hinahanap si Laura at bumalik ito sa pagkakatulog. Natakot si Aladin na sagutin si Florante kaya pinabayaan niya na lamang ito. Nang muling gumising si Florante nakita niya ang isang lalaki na nakadamit pang Moro at siya’y nabigla, nais sana niyang ilayo ang kanyang katawan kay Aladin ngunit hindi niya ito nagawa dahil mahina pa siya. Sinabi niya kay Florante na ang baya’t sekta nila ay magkaaway ngunit sa pangyayaring ito ay dapat silang maging magkaibigan at sinabi rin niya na siya ay tao lamang na sumusunod rin s autos o batas ng langit kaya naman tinulungan niya si Florante. Nagbuntung-hininga si Florante at sinisi niya si Aladin kung bakit siya nito kinalag sa puno hindi sana ngayon ay payapa na ang kanyang buhay sa loob ng tiyan ng leon dahil mas hinahangad pa ni Florante na mamatay na lamang siya kaya. Hindi napigilan ni Aladin ang umiyak sa mga pinagsasabi ni Florante.Inihambing si Aladin kay Apolo.
No comments:
Post a Comment